Labels

29.12.10

Ang internet ang bagong radYO



"Ang bagong breed ng mga emcees ay agresibo at mabilis mag isip sa entablado"


Nagbago na nga ang paraan ng paglaganap ng musika ngayon. Kung noon, kailangan ko bumili ng cassette tape o CD para mapakinggan ang bagong album ng paborito kong artist. Ngayon isesearch ko lang ang kanta sa youtube ikakabit ko ang speaker sa laptop at pwede na magsoundtrip. Dati kailangan mapabilang ang artist sa isang record label na magdadala ng musika para mai-ere sa radyo. Ngayon kahit na ordinaryong kolokoy na may talento nagiging instant celebrity sa pamamagitan ng internet.

Nakilala ang mga bagong hiphop artist ngayon sa pamamagitan ng internet. Kabilang dito ang mga paboritong pakinggan at panoorin ng mga tao ngayon na sina Loonie, Zaito, Batas, Dello, Mike Swift at iba pa. MInsan napadaan ako sa computer shop, umagaw sa aking atensyon ang mga bata na aliw sa panonood sa mga rap battle ng Flip Top. Nakita ko rin na nagkalat ang mga DVD ng Fliptop Battle na binebenta sa bangketa. Mga pirata nga naman ang bilis makakakuha ng pagkakataong kumita.

Kung merong magandang naidulot ang mga rap battle na nauuso ngayon, ito ay muling binuhay nito ang industriya ng Hiphop. Muli nitong naibabangon ang kultura ng Hiphop sa Pinas. Pinagsasama sama nito ang mga emcees na magaling maghabi ng mga salita. Nagawa nitong pagsamahin sa isang entablado ang mga artist na nanggaling sa iba't ibang kampo. Ngayon mas masipag bumuo ng tracks at album ang mga rap artists. Ngayon ang mga ordinaryong kolokoy may Talent Fee na sa mga show at mas may respeto.

Tapos na ang era ng Hiphop celebrities na sumikat dahil malakas ang suporta ng record label. Ang bagong breed ng mga emcees ay agresibo at mabilis mag isip sa entablado. Unti unting naglaho sa ere ang mga istasyon na sumusuporta sa kultura ng Hiphop. Para sa akin ang internet ay ang bagong radYO.


-stakkkato-