Huling bahagi ng dekada '90 nang una kong mapakinggan ang album ng Bone Thugs and Harmony. Naiiba ang istilo nila dahil sa bilis ng pagbigkas ng kanilang mga lyrics. Kinilala sa mundo ng hiphop ang kanilang grupo dahil nang panahong iyon, sila lamang ang nakakagawa ng ganitong style. Ang track nila na tha crossroads ang isa sa mga sumikat nilang kanta. Maraming sumubok na imemorize ito at sabayan - MALUPIT KA kapag nasabayan mo ang kanta na hindi kinakapos sa hininga
Madami nang mga artist sa pinas na may istilong speed rap na rin. Tiyak na ang istilo nila ay nag uugat sa pakikinig nila sa Bone Thugs. Si Gloc 9, Abaddon, Tuglaks, Smugglaz, ay ilan sa mga produkto ng impluwensya ng grupo na ito.